Or call me Eca.

My life is very boring as of this moment. Mapapansin nyo naman siguro sa mga post ko. Ang buhay ko nga ay parang gulong. Paikot ikot na, nadudumihan pa.

Pero sa wakas, 5th year arki student na ako, from Manila. Pero hindi ako mabangis ah. May nakapagsabi kasi na ang angas daw ng mga arkitek. Naisip ko, baka yung iba lang. Kasi ako na isang future arkitek, hindi ako mabangis. Madungis lang. Dugyot. Gusgusing bata.

Oo at ang clumsy ko rin kasi, literally. At kung meron mang emotionally clumsy, ganun din ako. Mabuti nalang may friends pa ko.

Wala nga akong talent ata. Lahat matatawag kong frustration. Lahat din kasi gusto ko- sumulat, tumula, gumuhit, kumanta, tumugtog ng musical instrument lalo na gitara, sumayaw, umarte, mag-inarte, at iba pa. Jack of all trades? master of none? Mediocre? Sa sobrang boring ng buhay ko, wala pa kong mahanap na swak na salitang makakapagdescribe nito.

O sabihin nyo, wag ko idown sarili ko? Huy, nagiging proud din ako sa sarili ko, once in a blue moon. Sadyang alam ko lang ngayon na, imbes na mag-upgrade ako, nagda-downgrade ako, maliban sa panlabas na ganda kasi wala ako nun.

Sabi ko nga talino nalang maiaambag ko sa mundo. Pero kamakailan, di na ako nag-iisip. Kaya ang resulta, academically, isang malaking downfall. Sayang na yata pinapaaral sa akin ng mga magulang ko.

Kaya nang mawalan ako ng talino. Akala ko wala nang natira. Wala na kasing ganda, wala pang talino.

Pero meron pa pala. Ito yung ‘kabaitan.’ O ayan, proud na ako na sabihing mabait ako. Madaling matunaw ang puso ko. Pusong mamon. Martyr. Potek kaya rin daw ako naaabuso. Ang bait ko masyado. Kaya nagfi-feeling ako minsan na matigas ang puso ko eh. Para iwas sakit, ika nga.

Kaya sa huli, ganda, talino, at kabaitan? Wala ako nyan!

Pero ito lang yung sasabihin ko. Wala man ako ng mga ‘yan ngayon, di ibig sabihin na hindi na ako magkakaroon.

Oo umaasa pa rin akong aangat yung self-esteem ko kahit di ko pa makita yung posibilidad na yun.

Sabi nga ng Mayday Parade, I’m hopeless, but hoping.

At sa blog na ito magaganap lahat ng pagbabago.

Darating din ang araw, na babangon ako…

At matutulog ulit kasi puyat ako.

Osya, salamat sa pagbabasa ng walang kwentang about page. Sana may mapulot kang may kwenta sa blog ko para makatulong naman ako sa kapwa kahit hindi face to face. Socially awkward kasi ako kadalasan.

Hanggang sa muling pagtatagpo ng landas natin sa blogosphere, paalam!

At kung nais mong makipag-usap, open yung comment section ko, tara, magdaldalan tayo.

43 thoughts on “Hi. I’m Dungis.

    1. Hala po, lahat nalang nanghihingi ng discount, malulugi na ko. Hahaha! Gagalingan ko po para maging architect ako tapos pag kaya nang magbigay ng discount. Why not? Hahaha! Kayo rin po, keep blogging, ang creative ng mga post mo po tapos ang dami nyo na pong achievement sa buhay. Galing!

      Liked by 2 people

      1. To God be the glory. πŸ™‚ Doon sa mga nahingi ng discount sa iyo, mga 20% lang doon ang may capacity to really build a house. Mahal na ngayon ang bahay at lupa eh. Hehe! Hopefully, after some time, I’ll be included in that 20% na. Hehe!

        Like

      2. Yun nga po eh, habang tumatagal mas lalong nagmamahal yung lupa’t bahay. Pati bayad sa mga tratrabaho. Pero with luck, hardwork, and faith, matupad sana natin yung hiling nating magkabahay, sooner or someday. πŸ™‚

        Liked by 1 person

  1. “Simplicty is the ultimate sophistication.” (Da Vinci)

    I just read that in an architect’s blog at dahil in the future gagamitin mo ang ecspressionism mo in your sketches (theme ng blog mo, grabe, consistent), I wanted to share you those words. Go ahead and be free from duplicity. Maging malaya ka sa lahat ng emosyon mo. Cheers to blogging! πŸ™‚

    Liked by 1 person

    1. Hahahahaha! Salamat din sa pagbisita dito πŸ˜€ astig din ng mga pinopost mo eh, di bagay yung description na ‘mga walang kwentang kwento at opinyon’ kasi ang galing ng pagkakacompose. Hehe πŸ™‚

      Liked by 1 person

      1. aa pareho ahaha, kaso sa Universtiy of Manila ako e. Dapat archi kukunin ko, kaso wala daw silang ganong course. Nauto ako nung nakasabay ko nung enrollment na pare
        ho lang daw. Hanggang ngayon hinahanap ko siya tanungin kung anong pagkakapareho

        Liked by 1 person

      2. hahaha may pagkakapareho yan, yung pagpupuyat haha di ko rin naman alam kung bakit ako nasa course na ito, naghanap lang ako ng may drawing, di ko naman alam noon na mga ganitong drawing pala gagawin hahahaha

        Like

    1. Straight to the point po ba? Sabi kasi sa’kin ng ilan kong kaibigan, palabok ako magkwento, halohalo daming ek ek haha. Anw, Thank you po sa pagvisit sa blog ko πŸ™‚

      Like

      1. Siguro you’ve got lots of ideas kaya akala nila palabok πŸ™‚

        My pleasure, thanks for sharing, i love personalized, first-hand experiences. Very genuine ang dating sa akin kc πŸ™‚

        Enjoy blogging!

        Liked by 1 person

      2. Naenlighten po ako dun sa “you’ve got lots of ideas kaya akala nila palabok.” Feeling ko kasi negative yung context ng palabok hehe.

        Salamat po ulit sa pagdaan sa blog ko!

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s