Hihintayin kahit ga’no kadilim pa ang aking aabutin
Kahit gaano katagal, hihintayin kitang dumating
Kahit mapagod ay di ititigil ang pagmamasid
Dahil malayo pa lamang alam kong ikaw ang paparating

Hihintayin kitang bumalik pag lumagpas ka sa akin
Kapag di mo ako nakita ay hihintayin kitang ako’y mapansin
Kapag di maabutan at di makahabol ay pahihintuin
Dahil malapit na lamang alam kong ako’y susunduin

Nathaniel, nasan ka na ba
Baka dumaan ka pa yata sa paligid ng iba
Kung hindi, nasan ka na
Tumatagal na ang paghihintay at ako’y napapagod na

Ngunit aabot din tayo oh Nathaniel dun sa dulo
Na kailangang huminto at ako ay lalayo
Ngunit sa paggising ikaw lang muli ang aking hahanapin
Kahit pabalik balik lang tayo ay ikaw pa rin

At kung isang araw biglang di ka na makakarating
Sabihin mo sakin at palilipasin ko muna’t
Tatanggapin
Lagi mo lamang tatandaang minsan ikaw ay inabangan
Ngunit nababago rin ang daan na aking pupuntahan


Inspirasyon: Nathaniel Bus
PS. Hindi pa rin ako makamove on kay Nathaniel.
Advertisements

2 thoughts on “Nathaniel

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s