Patawarin mo ko Shai kasi sobrang late na ko nagrespond sa nomination mo. Haha! Pis.

Try nyo bisitahin yung blog nya.

What’s your favorite beauty item?

Paano mo ba masasabing paborito mo ang isang bagay? Kapag palagi mo itong ginagamit o kapag pinakamasaya ka sa tuwing ginagamit ito? Kasi ang unang pumasok sa isip ko ay pangkilay kahit di naman ako nagkikilay araw araw. Pero kapag may okasyon tapos nagkilay ako, feeling ko ibang tao ako. Mukha akong lalaki pero nakakataas ng self-esteem ah. Sino ba kasing nagpasimula ng standards ng kilay? Tumaas tuloy lalo ang presyo ng confidence.

What’s one thing you’re scared to ask a man, but really want to?

“Pangit ba ko?” Charot charot lang. Baka masaktan ako. Haha! Ang gusto ko talagang tinatanong, di naman sa scared, curious lang. “Paano sila nakakacope up sa galit?” Kasi sa totoo lang ah, mas takot ako magalit ang lalaki kasi di ko sila usually na nakikitang galit. Yung papa ko, yung mga kapatid ko, yung mga kaibigan kong lalaki. Paano nila napapahaba pasensya nila? Tapos nakakatakot lang baka isang araw, sagad na tapos bigla silang nagalit. Paktay na.

If you were a man for a day, what would be the first thing you do?

Mag-CR. Okay kadiri, pero ano kasi, curious lang ako kung di ba sila nahihiya na umihi sa urinal kasi diba hindi yun enclosed di tulad mga inidoro sa cubicles. Hehe.

Do you believe in Horoscopes?

Depende, kapag good horoscope. Pag bad, hindi. Bias ako. Kung maniniwala man ako sa sinasabi ng iba, yung magandang sinasabi na nila yung paniniwalaan ko. Feeling ko kasi ako lang ang may karapatan na mang-down sa sarili ko.

If you could identify with one fictional character (from a book, show, or movie) who would it be?

Nakakapagbasa akong book, nakakapanood ng show, at movies. Pero di ako gaano fan. Kaya wala akong maalalang mga characters or cast na nakikita ko sarili ko. Sorna.

What’s your favorite elem/HS/college memory?

Ang dami kong naaalalang memories siguro ang favorite ko ay yung nadapa ako nung CWTS enrollment as in plakda sa sahig at sa harap pa ng mga magulang. Hanggang ngayon naririnig ko pa rin yung pag-ooooooh nila nung pagkadapa ko. Di ko alam yun na pala ang hudyat ng marami ko pang pagkadapa sa college.

How do you think your parents would describe you as a child?

Isip bata hanggang ngayon. Kapag masaya, hyper, magulo, maingay, madaldal. Pag malungkot, di mo makakausap ng matino kasi laging nagmumukmok.

What’s something you’re really good at?

Seryoso, bakit sa tuwing tinatanong ako nito, bigla kong narirealize na wala akong talent. Hahaha! Siguro ano nalang sasabihin ko, I’m good at being a mediocre. I am a jack of all trades. I am a master of none. Bow.

What are your favorite blog topics to write?

Gusto ko sanang magpost ng mga sinusulat kong kanta. With video pa nga or soundcloud link. Huhuhu. Pero dahil wala akong sapat na kagamitan at kaalaman sa pagkanta. Ayun, yung iba nananatili nalang na tulang walang tono. At ang mga naipopost ko nalang tuloy dito ay mga raw files kumbaga, kaya daming drama sa blog ko.

Biggest blogging achievement so far?

Biggest blogging achievement so far ko ay yung tumagal yung blogsite ko nang mahigit sa isang taon, tapos nakakapagpublish pa rin ako ng at least 4 post a month. Achievement na sa akin yun kasi madali akong magsawa saka hilig kong magpalit palit ng blog.

Anong tanong ang gusto mong itanong sayo ng iba?

“Gusto mo bang maging songwriter?” Oo isasagot ko pero alam kong walang magtatanong sa akin nyan kasi sa pagkakaalam nila, isa ako sa dahilan kung bakit dinadayo ng bagyo ang ating bansa. Pero sa tingin ko rin, kapag tinanong ako ng tanong na yan, baka magsinungaling lang ako at humindi. Pakiramdam ko kasi pagtatawanan lang nila ako sa pangarap ko.

***

Kapag hindi na ako busy busyhan at naging active na ko ulit sa pagbloblog, cacareerin ko na ulit mga ganitong post kasi I feel appreciated. Hahaha! Kaya sensya sa mga inonominate ko sana, di ko lang manominate kasi wala akong naiisip pang may kwentang tanong. Huhu.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s