Ilan kayo sa circle ninyo? Dalawa? Tatlo? Apat? O higit pa? Masaya ka ba sa tuwing magkakasama kayo? Eh, Awkward ba sa tuwing naiiwan kang kasama ang isa lang sa kanila? O hanggang as group ka lang nagiging kumportable?

Una, paano ba nabubuo ang circle of friends? Hindi naman sabay na sabay na nagkrukrus ang landas nyo. Marahil mas naunang magkakilala si A at B. At dahil magkaibigan din si B at C, naging magkaibigan na rin si A at C. Pero ang tanong, naging magkaibigan ba talaga sila? O magkaibigan lang sa harap ni B?

Isa sa naiisip kong dahilan kung bakit may mga hindi nagtatagal na pagkakaibigan ay dahil wala naman talagang nabuong pagkakaibigan. Para lamang siguro sa label at para kay B. Pero kung ikokonsidera natin ang mutual friend na si B, matutuwa ba sya sa uri ng pagkakaibigan na ito? Hindi. Kasi nagmumukha lang syang desperado na lumaki ang circle nya kung pilit lang ang pagsasama ni A at C.

Nakay A at C rin naman kung ano ang gusto nilang mangyari sa kanilang dalawa. Kasi, kung naiisip nila na magkaibigan lang sila dahil may mutual friend sila, walang mangyayari kasi given na yun eh. Desisyon at effort na nila ang kailangan kung gusto nilang maging magkaibigan talaga silang dalawa. Hindi naman sa minamadali at pinipilit ang mga bagay bagay pero kung wala kang gagawin, walang mangyayari. Parang hinihintay nalang na magkalayo ang landas dahil sa kabusyhan para natural na maglaho ang pagkakaibigan. Kasi ganun ang mangyayari kapag magkakilala lang. Marami ka pang makakasalamuha na tao kaya yung mga kakilala mo lang pwede mo silang makalimutan.

Kaya mas mabuting linawin kay B ang katotohanan lalo na kung ang akala ni B ay isa kayong closed circle. Baka kasi kapag zinoom-in ang bilog, may nawawala palang points. Magkakaintindihan naman kung mag-uusap at kung susubukan. Kasi kung mananatili yung paniniwala nyong closed circle kayo kahit hindi naman. Sayang effort. Para kayong nagsolve ng problem sa math na mali yung given.

Advertisements

3 thoughts on “Is The Circle Really Closed?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s