Wala akong pakialam sa hitsura ko kagaya ng pagkakalarawan sa akin ng ilan kong kaibigan. Ilang beses na akong pinilit na magbihis at magkilos babae o dalaga pero tumatanggi ako. Dahil dun, minsan na nilang nabanggit na darating din daw ang araw na mismong ako na ang mahihiya sa sarili ko. Napapaisip tuloy ako kung kailan ba darating ang panahong iyon? Kailan ba ‘ulit’ ako mahihiya sa sarili ko?

Sa pagkakaalala ko, ang huling beses na nahiya ako ay noong 2nd year College pa, mahigit tatlong taon na rin ang nakakalipas. Bakit nga ba ako nahiya? Ah, kasi maitim ako. Tapos ang naitatak sa isipan ko noon, kapag maitim ka, mukha kang gusgusin, mandidiri sa’yo ang tao, at lalayuan ka. Dahil doon, natuto akong bumili ng kung ano anong whitening products na makikita sa Watson’s basta abot-kaya ng isang estudyante. At hindi nasayang ang paggasta ko dahil epektibo, pumuti ako at mas lalo pang nangibabaw ang makinis kong balat noon. Kasabay ng pagpupuring natatanggap ko ay pag-angat ng self-esteem ko.

Nakakalungkot lang pero hindi kasi nagtagal ang pagbabagong ito dahil dumating yung puntong napadalas ang pagkalimot ko sa pag-aayos. Di ko man maalala yung eksaktong petsa kung kailan nagsimulang magsitubo ang mga tagyawat sa mukha ko, pero alam kong nasa ospital ako noong unang tumubo ang napakalaking tagyawat sa ilong ko dahil naging dry na ang balat ko at napuno na ng dumi ang mukha dahil sa mga bukas na pores. Mula nang araw na yun, tila naging madalas na ang dating madalang na pagtubo ng tagyawat sa aking mukha. Kinundisyon ko na lamang ang sarili kong normal lang iyon para sa isang teenager pero hindi nagpatalo ang katotohanang habang tumatagal, mas lumalala. Gumaspang na ang dati kong makinis na mukha. Dumami ang acne, mula pimples hanggang blackheads. At unti-unti na rin naglalaho ang pinaputi kong balat. Tila napaaga ata ang pagmumukhang matanda.

Dahil dun, bumagsak na naman ang self-esteem ko. Natapos na ang unang serye kung saan ang maitim kong balat ay pinaputi ko dahil nahiya ako. Nahihiya pa rin naman ako ngayon pero hindi na kasi ito yung kahihiyang makakapagpursigi sa akin para ayusin ang sarili ko. Bagkus, itong kahihiyan na nararamdaman ko sa tuwing may nagpaparamdam sa akin na kadiri ako, ay mas hinihila pa ako pababa. Kaya habang tumatagal, mas nawawalan ako lalo ng pag-asa at gana.

Sa totoo lang, gusto ko rin namang maging matino na ang pisikal na anyo ko kahit yung tipong magmukha lang presentable. Pero kasi, sa tuwing sinusubukan ko, napapansin agad ng mga kaibigan ko at ang reaksyon nila ay taliwas sa inasahan ko. Idinadaan ko na lang sa tawa pero napapatanong nalang ako sa sarili ko, “bakit parang mali yung ginagawa ko?” Nakakawala lang tuloy ng motibasyong magbago.

Pero sana nga, dumating na ulit yung araw na mahihiya ako at kikilos. Kasi sa araw-araw na tumitingin ako sa salamin namin, nalulungkot lang ako. Kaya nga pinipilit ko na lang maging hyper at masayahin para kahit papaano sa ugali man lang, maging bright ako. At siguro nga rin, gaya ng nabanggit ko sa dati kong post, ayokong magkacrush man lang kasi parang hindi ko deserved. Nakakatawa noh? Na isipin kong hindi deserving yung tulad ko na magkacrush. Mas bagay kasi sa akin ang maging kengkoy lang, isip bata, at OA. Kasi kapag naging seryoso akong tao, hindi naman ako nagmumukhang babae ayon sa kanila. Bagkus, ay nagmumukhang lalaki.

Kaya ayun, gusto ko nang mahiya ulit. At kung mahihiya man ako, sana gumawa na ako ng paraan. Nakakapagod na kasing makisabay sa pagtawa nila kahit hindi naman talaga ako masaya.

Advertisements

6 thoughts on “The Moment I Have Opened My Pores

  1. Naku parehong-pareho tayo! Kung kailan naman ako tumanda saka nagsilabasan ang mga tagiyawat. Kahit high end na skin care products ang bilhin ko hindi ako kumikinis. Ewan ko ba saan nanggagaling ang kapal ng mukha kong lumabas ng bahay nang hindi nag-aayos. Tulad mo, sana magsimula rin akong mahiya sa sarili ko haha.

    Liked by 1 person

    1. Yung iba habang tumatanda mas nawawala tagiyawat huhu bakit ganun sa’tin. Pareho tayo parang wala lang din sakin kung anong hitsura ko pag lumalabas, sanayan lang, manhidan lang, ahahaha

      Liked by 1 person

  2. Hindi ko maintindihan yung mentalidad na panget ang maitim na balat. Sa tingin ko kailangang baguhin yung ganitong paniniwala, nakaka inis lang, sa tingin ko impluwensya ito ng mga palabas sa TV. Pero hindi mo kasalanan, sana lang ay mahalin natin ang sarili nating kulay, lalong lalo na tayong mga Pilipino 🙂 naiintindihan ko yung epekto sa confidence kung hindi natin nagugustuhan ang nakikita sa salamin. Yung tighawat badtrip talaga yan, pero sobrang sanay na ako at normal na lang sa akin dahil simula highschool ay problema ko na yun. Pero basta pag dating sa kulay, hindi ako naniniwala na mas maputi mas maganda, anganda kaya ng kayumanggi, tunay na kulay ng mga dalagang Pilipina. hehe

    Liked by 1 person

    1. Hello haha oo, sobrang babaw ko talaga noon pagdating sa kulay nakakalungkot haha pero atlis ngayon, wala na kong pakialam sa kulay. Ibang aspeto naman yung naipang-aasar sakin ahaha pero ayos lang, pinipilit ko nalang lumawak pag-unawa ko sa mga tao hahaha

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s